Manila, Philippines – Proud na ipinost ng dating EB Babes na si Lian Paz sa Instagram ang litrato niya kasama ang anak na si Xonia at current partner na si John Cabahug.
Sa larawan, masaya niyang ibinandera ang bonding moments nila ng anak sa iskul kung saan isang honor student ang huli.
Caption niya: “Congratulations our dear Ate Xonia!!! My Nia2x! You ended your first year in highschool as Top 1 in your class and overall Top achiever in your Grade level! You have always been consistent being excellent in school, I am amazed with your perseverance and I am grateful to God for that gift to you. Continue to honor the Lord in everything! I am proud of you Xonia! Always have!!! Hay grabe shy siya sobra, it was 2 years since the pandemic na walang face to face receiving awards kaya ayun, sobrang kabado siya umakyat ng stage, hehehe 🙂 I love you Xonia!”
Isa namang follower ang nagkomento sa kanilang photo at hindi napigilang magpasaring sa ex nitong si Paolo Contis.
Sey ng netizen: “Bitbit pa apelyido wala namang ambag, ahahaha anyway congrats, you have a long way to go. Aim high!”
“Asking na nga po ang mga bata to have it changed,” makahulugang tugon ni Lian.
Dahil dito, hirit ng kibitzers ay may ‘gigil’ pa raw si Lian sa kanyang ex pagkatapos ng kanilang hiwalayan at isyu ng kakulangan ng financial support sa kanilang mga anak.
Ito naman ang ilang komento ng ibang followers.
“Mam, go pls. They deserve it. Push mo po mam, kasama mo po kaming mag pray.”
“Kelan kaya ibibigay yung support na cnsb ni contis hayz Kapag may work na mga Bata at d n need ung support hehe…mautak din d Nahiya.”
“Paolo Contis pa rin ang biological father at love ni Paolo mga anak nya.”
“Yes please follow whats kids want kasi ramdam nila yan.”
Sa kasalukuyan, si Paolo ay happy sa kanyang karelasyon na si Yen Santos. Archie Liao