Home ENTERTAINMENT Mga artistang kinatawan sa MIFF sa LA, inilabas na!

Mga artistang kinatawan sa MIFF sa LA, inilabas na!

Manila, Philippines – Mismong ang pamunuan na rin ng MMDA ang nagsabing hindi na ito magre-release ng ranking at box office receipts ng sampung opisyal na kalahok sa nagdaang 49th Metro Manila Film Festival.

Bastante na raw ang ahensya sa kinita nito na mahigit P1 billion, way above its expectations.

In fact, ang pumuwesto bilang ikalimang top-grossing entry na Family of Two ay nasa P50M lang ang kinita to think sina Sharon Cuneta at Alden Richards ang mga bida nito.

Masaya na raw ang producer nito na CineKo Productions dahil naibenta nila ang streaming rights nang malaki.

Same with the five other entries na hindi nakabilang sa Top 5.

Ang latest, this early ay pinaghahandaan na ang 50th MMFF this December.

Naengganyo raw ang ibang producer na llahok ang historical na tipo ng entry dahil sa ipinamalas na lakas sa takilya ng Gomburza.

Balitang P100M ang kinita nito at sumusunod sa Rewind na naka-P815M.

Samantala, all set na ang first ever Manila International Film Festival na idaraos sa Los Angeles, California.

This will run from January 29 until February 2.

Inilabas na rin ang listahan ng mga bida ng all 10 MMFF entries bilang kinatawan.

Si Dingdong Dantes ang nakatakdang bumiyahe sa LA to represent Rewind.

Abangan din si Enchong Dee at Best Actor winner na si Cedric Juan para sa Gomburza.

Si Ashley Ortega naman ang kakatawan sa Firefly.

Si Christopher de Leon will represent When I Met You in Tokyo.

Pitching in for Sharon is Alden para sa Family of Two.

Si Christian Bables ang sole representative ng Broken Hearts Trip.

Mag-isa namang rarampa si Beauty Gonzales para ibandera ang Kampon.

John Arcilla will grace the occasion mula sa Penduko.

Magkasama naman sina Enchong Dee at Janella Salvador mula sa Mallari.

Minus her co-star Pokwang, abangan din si Eugene Domingo from Becky & Badette.

Inaasahang magkakaroon ng ibang resulta sa bigayan ng awards, which means that last year’s MMFF winners ay hindi pareho ng sa MIFF sa LA. Ronnie Carrasco III

Previous articleAndrew, ikakasal na; Julius at Tintin, kinuhang ninong at ninang!
Next articleAmihan magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon