Home NATIONWIDE Mga atletang Pinoy sinaluduhan ni Bong Go

Mga atletang Pinoy sinaluduhan ni Bong Go

197
0

MANILA, Philippines- Sinaluduhan ni Senador Christopher “Bong” Go ang walang patid na pagmamahal at dedikasyon ng mga atletang Pilipino sa ginanap na “Konsyerto sa Palasyo” sa Kalayaan Grounds ng Malacañang noong Linggo.

Sa pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., binigyang pugay sa okasyon ang mahigit 300 atletang Pinoy na naging kinatawan ng Pilipinas sa iba’t ibang disiplina sa palakasan, na nagpapakita sa mundo ng hindi matatawarang puso ng Pilipino.

Sa panayam, muling iginiit ni Go ang kanyang pangako na itataguyod ang karapatan at kapakanan ng mga atletang Pilipino.

“Salamat po kay Pangulong Bongbong Marcos sa pagbibigay-pugay sa ating mga atleta. Alam niyo, napagod din po sila noong panahon ng SEA Games, at sa darating na mga palaro,” anang senador.

“Bilang chairman ng Senate committee on sports, full support po ako parati sa ating mga atleta,” idinagdag niya.

“In fact, during the budget deliberation (for the 2023 national budget)… ‘yung budget po ng PSC ay more or less P200 million lang po. Ako mismo ang nagsulong na magdagdag ng isang bilyon para masuportahan ang mga atleta natin,” sabi ni Go.

Kabilang sa mga pinarangalan na panauhin ay ang world boxing icon na si Manny Pacquiao, gymnastics sensation Carlos Yulo, dating pambansang fencer na si Richard Gomez, at ang groundbreaking Philippine Women’s Football Team (Filipinas) na gumawa ng kasaysayan sa pagiging unang Filipino team na sumabak sa FIFA World Cup.

Si Go ay patuloy na nagsusulong ng mga hakbang na naghihikayat sa mas maraming Pilipinong atleta na lumahok sa palakasan at mag-ambag sa tagumpay ng bansa sa mga internasyonal na kompetisyon.

“Ang pag-iinvest sa sports ay hindi lamang para sa individual growth ng ating mga atleta kundi pati na rin para sa kabutihan ng lipunan,” ani Go.

Iniakda at co-sponsor si Go sa Republic Act No. 11470 na nagtatag ng National Academy of Sports (NAS) noong 2020. Ang NAS ay nagbibigay ng mataas na kalidad na sekondaryang edukasyon na may espesyal na sports-oriented curriculum para sa mga talentadong kabataang Pilipino na nais pahusayin ang kanilang pisikal at mental na kakayahan sa palakasan.

Sa pangunahing campus nito sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac, sinimulan ng NAS ang unang akademikong taon nito noong Setyembre 13, 2021. RNT

Previous articleBong sa China matapos atakehin ang PCG sa WPS: ‘STOP BULLYING US’
Next articleTulak na ginang, 2 kasabwat nadakma sa drug ops sa Malabon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here