Home NATIONWIDE Mga bagong hakbang kontra online pedophiles, pinag-aaralan ng gobyerno

Mga bagong hakbang kontra online pedophiles, pinag-aaralan ng gobyerno

MANILA, Philippines – Target ng pamahalaan na gumawa ng mga bagong pamamaraan upang matigil ang problema ng online sexual abuse and exploitation of children (OSEAC).

Ayon kay Justice Assistant Secretary Mico Clavano kabilang sa mga hakbang na pinag-aaralan na maipatupad ay ang pakikipagtulungan sa money services businesses (MSBs) upang matigil ang paglabas ng pera bilang pambayad sa mga online footage at still photos ng mga menor de edad na biktima.

Sinabi naman ni Department of Social Welfare and Development Undersecretary Emmeline Villar na nakikipag-ugnayan na sila sa mga social media platforms para labnutin ng mga ito ang kanilang mga system upang mapigil na ang access sa mga mapaminsala na mga sites at content.

Sinabi nina Clavano at Villar na kasama sa kanilang pag-uusap ang mga social media platforms gaya ng Meta at TikTok upang mabuwag na ang mga content sa social media na gumagamit ng menor de edad na biktima.

Dagdag ni Clavano, kailangan ayusin ang threshold amounts na nakasaad sa Anti-Money Laundering Act dahil mas mataas ang nakasaad na halaga sa naturang batas kumpara sa nagaganap na online secual abuse transactions na maaring umabot lamang ng ₱50 kada larawan ng bata.

Batay sa pag-aaral, ang mga parokyano ng mga ipinagbabawal na content ay karaniwang mga lalaki mula sa United States, Europe at Australia.

Sinabi ni Clavano na mayroong child sexual abuse or exploitation materials na sa halagang ₱300 lamang ay maari ng makapag-subscribe sa mga video.

Sinimulan na rin ng DOJ ang konsultasyon at diyalogo sa mga remittance at virtual wallet platforms na hindi saklaw ng Anti-Money Laundering Act.

Una nang inihayag ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla na sinimulan na ng pamahalaan ang all-out war laban sa mga online abusers. Teresa Tavares

Previous articleOFW remittances protection bill umarangkada na sa Kamara
Next articleDagdag-P100 sahod tablado sa ilang mambabatas