Ito ang mahigpit na paalala ni Supreme Court Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa sa mga bagong Investigating Commissioners ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na nanumpa sa kanilang tungkulin.
Sa kanyang keynote address sa “2nd Investigating Commissioners’ Summit” ng IBP–Commission on Bar Discipline, ipinaalala ni Justice Caguiao sa mga abogado ang kanilang tungkulin na panaigin ang rule of law, isulong ang matapat at epektibong hustisya na ginagabayan ng Code of Professional
Responsibility and Accountability (CPRA).
“Those of us who are clothed with the competence to ensure fairness and justice cannot be the first to outsource a sense of right and
wrong,” paalala pa ng mahistrado sa 144 na bagong Investigating Commissioners ng IBP.
Sa huli, nagpasalamat si Justice Caguiao
sa Investigating Commissioners kasabay na rin ang paghikayat sa kanila na kanilang tungkulin ang kabutihan ng nakararami ang mahalaga at ang pananaig ng batas.
Salig sa Canon VI, Section 4 ng CPRA, mandato ng IBP na magrekomenda sa Korte Suprema ng 150 lawyers na may magandang reputasyon mula sa siyam na rehiyon ng IBP na magsisilbing Investigating Commissioners sa loob ng tatlong taon.
Bahagi ng trabaho ng Commissioners na madaliin ang resolution ng mga kasong administratibo na kinakaharap ng mga miyembro ng Bar at maghain ng rekomendasyon sa Korte Suprema.
Si Justice Caguioa ay Chairperson ng SC Sub-Committee on the IBP Oversight. TERESA TAVARES