Home NATIONWIDE Mga bagong nagparehistrong botante lagpas 4M na

Mga bagong nagparehistrong botante lagpas 4M na

MANILA, Philippines – Lumagpas na sa apat na milyon ang naiproseso ng Commission on Election na mga aplikasyon ng mga botante, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia.

Sa datos na inilabas ni Garcia, iniulat na kabuuang 4,057,001 aplikasyon na ang naiproseso.

Pinakamaraming nagparegistro ang mga babae na nasa 2,093,011 kumpara sa mga lalaki na umabot lamang sa 1,963,990.

Sa kabuuan, ang Region IV-A o CALABARZON ang may pinakamaraming bilang ng naprosesonh aplikasyon na may 696,555, sinundan ng National Capital Region na may 561,714 at Region III o Central Luzon na may 477,016.

Samantala, maliban sa Cordillera Autonomous Region, lahat ng rehiyon ay nakapagtala ng six-digit volume ng naprosesong aplikasyon.

• Region VII: 274,015

• Region XI: 238,846

• Region VI: 226,227

• Region X: 192,866

• Region V: 189,185

• Region XII: 176,862

• Region IX: 118,972

• Region I: 163,643

• BARMM: 168,325

• Region VIII: 274,015

• Region II: 120,946

• CARAGA: 102,866

• Region IV-B: 104,214

• CAR: 53,776

Tatagal hanggang Setyembre 30, 2024 ang voter registration program ng Comelec kaugnay sa May 12, 2025 elections.

Ang midterm national at local elections sa susunod na taon ay may kabuuang 18,271 na posisyon.

Kabilang dito ang 12 puwesto para sa Senado, 63 party-list representatives, 254 district congressional seats, at 11,948 Sangguniang Bayan members. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)