Home NATIONWIDE Mga bahay na sinira ng habagat, umabot na sa 86K

Mga bahay na sinira ng habagat, umabot na sa 86K

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 86,745 ang bilang ng mga tirahang sinira ng bagyong Egay, Falcon at southwest monsoon o habagat, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes, Agosto 18.

Ang pagtaas sa bilang ay mula sa 82,787 na iniulat noong Agosto 15.

Ang mga tirahang napinsala ay mula sa rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Bangsamoro at Cordillera.

Sa nasabing bilang, 81,371 ay tinukoy na “partially damaged” at 5,374 bilang “totally damaged.”

Nananatili naman sa 30 ang napaulat na nasawi at 12 sa mga ito ang kumpirmado.

Sa 171 nasaktan, 152 naman ang naberipika na.

Samantala, nasa 1,368,489 pamilya o katumbas ng 5,347,470 indibidwal ang apektado ng magkakasunod na sama ng panahon. RNT/JGC

Previous articlePatuloy na suporta sa senior citizens idiniin ni Bong Go
Next articlePagdaos ng special polls kapalit ni Teves, depende sa Kongreso – Comelec