Home HOME BANNER STORY Mga bansang interesado sa WPS joint patrols, alamin!

Mga bansang interesado sa WPS joint patrols, alamin!

339
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Colonel Medel Aguilar nitong Sabado, Setyembre 16 ang mga bansang nagpahayag ng pagnanais na lumahok sa joint patrol sa West Philippine Sea (WPS).

Sa news forum sa Quezon City, sinabi ni Aguilar na maliban sa Estados Unidos na long-term ally ng Pilipinas, ang “Japan, Australia, Malaysia, France, India, Canada, and Singapore” ay nagpahayag din ng intensyong magkaroon ng joint sail sa WPS.

Matatandaan na nitong Huwebes ay sinabi ni AFP chief General Brawner Jr. na marami pang mga bansa ang nagpahayag ng intensyon na lumahok sa joint sail kasama ang Pilipinas.

Ayon kay Brawner, ang interes ng ibang bansa ay “a very good indication” para sa Pilipinas na mayroong “like-minded” nations na nais palakasin ang rules-based international order at panatilihin ang seguridad sa Indo-Pacific region.

Para naman kay AFP-Western Command Commander Vice Admiral Albert Carlos, “whoever offers to help us, we are studying it carefully.”

“There is no decision yet whether we will do joint patrol… It’s still on the table,” pahayag ni Carlos.

Noong Miyerkules, iginiit ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang kahalagahan ng pagkakaroon ng alyansa sa “like-minded countries” sa kabila ng “changing threat situation” sa WPS.

“With the changing threat situation at saka ang mga kilos ng ating mga katunggali sa WPS, kailangan talagang i-leverage natin ang ating mga alyansa hindi naman para kung ano man, but to enforce the rules-based international order at ang UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea),” sinabi ni Teodoro. RNT/JGC

Previous articlePeñafrancia fluvial procession matagumpay na idinaos sa Naga!
Next articleNasa 3K pulis na may kaanak na tatakbo sa BSKE, inilipat ng PNP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here