MANILA, Philippines- Itinuturing ang Pilipinas na kabilang sa mga bansa sa East Asia at Pacific region na may mga kabataan na apektado ng “multiple” at madalas na overlapping climate at environmental hazards at shocks, ayon sa pinakabagong ulat ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF).
Batay sa “Over the Tipping Point” data ng UNICEF regional, 99.9% ng mga kabataang Pilipino ang delikado sa isa hanggang dalawang uri ng climate shock, hazard, o stress; 96.8% ang nahaharap sa tatlo o higit pa; 77% sa apat o higit pa; habang 38.3% ang nahaharap sa lima o higit pa.
Tumutukoy angclimate hazards sa coastal flooding, water scarcity, heatwaves, air pollution, riverine flooding at tropical cyclones, at vector-borne diseases.
Batay sa UNICEF, ang mga batang ipinanganganak sa East Asia at Pacific region sa kasalukuyan ay nakararanas ng six-fold increase sa climate-related disasters kumpara sa kanilang mga lolo at lola.
“Over the last 50 years, the region has witnessed 11 times increase in floods; 4 times increase in storms; 2.4 times increase in droughts and 5 times increase in landslides,” anang organisasyon.
Sa Pilipinas lamang, hindi bababa sa 37 milyong bata ang highly exposed sa cyclones; 24 milyon sa pesticides; 20 milyon sa lead pollution; 18 milyon sa coastal flooding; 17 milyon sa air pollution; 13 milyon sa water scarcity; 6 milyon sa heatwaves; at 5 milyon sa riverine flooding.
Samantala, sa East Asia at Pacific region, sinabi ng UNICEF na mahigit 460 milyong bata ang highly exposed sa air pollution; 210 milyon sa cyclones; 140 milyon sa water scarcity; at 120 milyon sa coastal flooding.
“The situation for children in the East Asia and Pacific region is alarming. The climate crisis is risking their lives, causing them to miss out on their childhood and their right to survive and thrive,” pahayag ni UNICEF East Asia and Pacific director Debora Comini.
Kaya naman, nanawagan ang UNICEF para sa agarang aksyon ng mga pamahalaan, negosyo, at donors na mamuhunan sa pagtatayo ng climate-smart social services katulad ng edukasyon, kalusugan, water supply at sanitation, early warning systems, at climate-responsive social protection gaya ng cash transfers, para tulungan ang mga bata na lumaki sa isang ligtas at malinis na kapaligiran.
Kabilang din sa mga bansa sa East Asia at Pacific region na may mga batang nahaharap sa “multiple and overlapping climate hazards” ang Mongolia, Cambodia, Indonesia, Laos, Papua New Guinea, Timor-Leste, Thailand, at Vietnam. RNT/SA