Home NATIONWIDE Mga biktima ng sunog sa Palawan, tatanggap ng P35M ayuda

Mga biktima ng sunog sa Palawan, tatanggap ng P35M ayuda

MANILA, Philippines – Makatatanggap ng aabot sa P35 milyong ayuda ang mga biktima ng malawakang sunog sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ito ay matapos ianunsyo ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na pangungunahan niya ang paglalabas ng naturang pondo bilang tulong sa lugar.

Si Romualdez, na kasalukuyang caretaker ng 3rd District ng Palawan, ay nagsabing ang ayuda ay ipadaraan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), partikular na sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.

Inaasahang tatanggap ng P10,000 financial aid ang bawat apektadong pamilya.

Ani Romualdez, sumiklab ang sunog madaling araw ng Miyerkules, Pebrero 7, kung saan naapektuhan ang mahigit 450 tirahan at 920 pamilya sa Barangay Pagkakaisa at Barangay Bagong Silang ng naturang lungsod.

“We are deeply saddened by the tragedy that has befallen the residents of Barangay. Pagkakaisa and Barangay Bagong Silang. In these trying times, it is imperative that we come together as a nation to support our fellow Filipinos,” aniya.

“The provision of financial assistance is a crucial step in our concerted efforts to aid in their recovery,” dagdag ni Romualdez.

Kasalukuyan nang isinasapinal ng City Social Welfare Development (CSWD) ang tally ng mga apektado.

Ang pondo sa ayuda ay kukunin sa alokasyon nito mula sa 2024 General Appropriations Act. RNT/JGC

Previous articleMahigit 500 tirahan, naabo sa sunog sa dalawang barangay sa Palawan
Next article2 tulak timbog sa halos P.5M droga sa Caloocan