Home NATIONWIDE Mga biyahero pinag-iingat sa gitna ng pagkalat ng bacterial infection sa Japan

Mga biyahero pinag-iingat sa gitna ng pagkalat ng bacterial infection sa Japan

MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang publiko nitong Biyernes na tumalima sa airport safety protocols sa gitna ng naiulat na pagkalat ng Streptococcal Toxic Shock Syndrome (STSS), isang bacterial infection, sa Japan.

Pinayuhan ni MIAA spokesman Chris Bendijo ang mga biyahero na magsuot ng facemask, takpan ang kanilang bibig kapag umuubo, at hugasan ang mga kamay bago kumain.

Sinabi ni Bendijo na hindi pa natatanggap ng MIAA ang ulat ng STSS infection sa bansa.

Subalit, naka-post na ang health advisories sa terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), dagdag niya.

Ayon kay Bendijo, kabilang sa mga sintomas ng bacterial infection ang magang lalamunan at pangangati ng katawan. RNT/SA