Home METRO Mga bomba, bala nasamsam sa engkwentro ng militar, NPA

Mga bomba, bala nasamsam sa engkwentro ng militar, NPA

TAGKAWAYAN, Quezon- Narekober ng mga sundalo ang bomba at mga armas matapos makasagupa ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA), Martes sa bayang ito.

Sa report ng 85th Infantry Battalion-PA, nagsasagawa ng combat operation ang mga sundalo sa boundary ng Barangay Manato Central at San Roque, Tagkawayan ng maka-engkwentro nila ang hindi mabilang na kasapi ng rebeldeng NPA.

Makalipas ang ilang minuto mabilis na umatras patakas ang rebeldeng grupo at iniwan ng mga ito sa lugar ng pinangyarihan ng bakbakan ang mga bandolier, 4 Improvised Explosive Devices (IED), 4 na magazines, 4 na bag na naglalaman ng personal na gamit at materyales na na pang giyera.

Wala naman naiulat na nasaktan sa tropa ng pamahalaan.

Matatandaan noong December 17, nagkasagupa ang tropa ng pamahalaan at rebeldeng NPA sa Batangas na ikinasawi ng 6 na NPA at 1 sundalo.

Sa kabila ng pinaigting na kampanya ng militar laban sa NPA partikular sa Quezon, kinukumbinsi pa rin nilang sumuko na lamang ang mga ito at talikuran ang sumuko at talikuran ang makakaliwang grupo. Mary Anne Sapico

Previous articleMga pasahero dagsa na sa mga pantalan – PCG
Next article1,461 indibidwal nailigtas sa panagnib ng lansangan sa Oplan Pag-Abot ng DSWD