Home NATIONWIDE Mga dam ‘di magpapakawala ng tubig sa paglapit ni Mawar

Mga dam ‘di magpapakawala ng tubig sa paglapit ni Mawar

304
0

MANILA, Philippines – Walang inaasahang magaganap na pagpapakawala ng tubig mula sa mga dam sa bansa bago dumating ang malalakas na ulan mula sa paparating na Super Typhoon Mawar, ayon sa state weather bureau na PAGASA.

Gayunpaman, binalaan ng PAGASA ang publiko sa posibleng flash floods.

“Sa Cagayan, sa Magat area, ang inaasahan, base sa ulan lamang, ay mga 50 milimetro na magpapataas lamang ng ilang metro. Hindi ito magdudulot ng pagbubukas ng mga gates,” ani Hydro Meteorological Division chief Engineer Roy Badilla.

Sinabi ng PAGASA na posible na itaas ang mga orange at red rainfall warnings sa ilang lugar ngayong Lunes dahil sa epekto ng southwest monsoon at Mawar.

Sa kabilang banda, ibinabala ng PAGASA ang paglakas ng bagyong Mawar habang ito ay kumikilos patungong kanluran sa Philippine Sea. RNT

Previous article2,001 pang Pinoy sapul ng COVID
Next articleALAMIN: 19 kalsada isasara ‘gang Lunes!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here