Home METRO Mga dating rebelde sinisilip gawing tourist guide

Mga dating rebelde sinisilip gawing tourist guide

TACLOBAN CITY- Sinisilip na ipasok ang mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Borongan City, Eastern Samar sa tourism sector.

Inilarawan ni Mayor Jose Ivan Dayan Agda ang pagtanggap sa mga dating rebele na nagbalik-loob sa gobyerno bilang tourist guides, na “hitting two birds with one stone”– pagbibigay sa surrenderees ng hanapbuhay, at paglikha ng magandang tourism pitch.

“So I realized why not hire them as job order? This way, they will be given regular income and dignity of labor,” wika ng alkalde.

“Providing decent job to former rebels is a good story for tourism promotion,” dagdag niya.

Bilang job order employees, sinabi ng alkalde na maaaring kumita ang mag dating rebelde ng P320 kada araw. Subalit, aniya, kailangan muna nilang sumailalim sa training bago payagang mangasiwa sa mga turista.

Bagama’t hindi niya sinabi kung kailan gugulong ang nasabing plano, nauna nang tumanggap si Agda ilang dating rebelde bilang forest rangers na tumutulong sa kanyang kampanya laban sa  timber poachers at upang protektahan ang kagubatan ng lugar.

“By hiring them as workers of the city government, these former rebels could have a change of perception that the government is there to help them, especially after they left the armed movement,” giit ni Agda.

Mula noong nakaraang taon, mahigit 100 dating rebelde at kanilang sympathizers sa Borongan ang sumuko na sa mga awtoridad. RNT/SA

Previous articleNavotas LGU namahagi ng bigas sa mga residente sa pagdiriwang ng Navotas Day
Next articleDeath toll sa Monkayo landslide sumampa sa 11