Home HOME BANNER STORY Mga dayuhang mangingisda na gumagamit ng cyanide, pananagutin ng DOJ

Mga dayuhang mangingisda na gumagamit ng cyanide, pananagutin ng DOJ

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Justice na hahabulin nito ang mga dayuhang mangingisda na sangkot sa cyanide fishing sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc.

Sinabi ni Secretary Jesus Crispin Remulla na determinado ang DOJ na tugunan ang sinasabing cyanide fishing ng mga mangingisdang Chinese at Vietnamese.

Sinabi pa ni Remulla na hindi kukunsintihin ng Pilipinas ang anumang aksyon na makakasira sa kalikasan o nag-aalis ng karapatan sa mga Pilipino sa paggamit ng likas na yaman nito.

Tutulong aniya ang DOJ sa mga kaukulang ahensya sa pagkalap ng mga ebidensya at case build-up laban sa mga nasa likod ng iligal na aktibidad.

Una nang inihayag ni National Task Force West Philippine Sea (NTF WPS) spokesperson Jonathan Malaya na maghahain ng kaso ang Pilipinas laban sa China at Vietnam bunsod ng naturang ulat.

Iginiit naman ng Foreign Ministry ng China na gawa gawa lamang umano ang mga alegasyon laban sa kanilang mangingisda. Teresa Tavares

Previous articleInfra damage sa baha, landslide sa Mindanao lampas P1B na
Next articleIsang buwang break ng mga guro, makatutulong sa PISA performance ng Pinas – DepEd