Home HOME BANNER STORY Mga deboto maagang dumalo sa Ash Wednesday Mass

Mga deboto maagang dumalo sa Ash Wednesday Mass

Bilang pagsisimula ng araw ng pag-aayuno para sa panahon ng Kuwaresma, ang mga mananampalataya ay maagang dumalo sa unang misa sa Quiapo Church o National Shrine of Black Nazarene para sa Ash Wednesday.

Alas-5 ng umaga sinimulan ang misa kung saan karamihan sa dumalo ay mga mananampalataya na papasok pa lamang sa kanilang trabaho at eskuwela.

(c) Crismon Heramis l Remate File Photo

Bukod sa unang misa ngayong umaga, magsasagawa ang nasabing simbahan ng karagdagang 12 misa hanggang alas-7:00 ng gabi para makadalo ang ilang papauwi na sa kanilang tahanan.

Kaugnay nito, nagtutulong-tulong ang mga tauhan ng MPD, Manila Traffic and Parking Bureau, barangay at mga hijos del Nazareno para masiguro ang seguridad, kaayusan at maayos na daloy ng trapiko.

(c) Crismon Heramis l Remate File Photo

May mga aktibidad ding inihanda ang Simbahan para sa mahabang pagdiriwang ng Mahal na Araw kung saan sa Marso 28 ang Huwebes Santo, Marso 29 ang Biyernes Santo at Marso 30 ang Sabado de Gloria at Marso 31 ang Linggo ng Pagkabuhay.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous article47 sugatan sa gumuhong simbahan sa Bulacan sa Ash Wednesday
Next articleLola na ninakawan pinatay ng sariling mga apo