Home NATIONWIDE Mga eksperto duda sa sinseridad ng Tsina sa pagresolba sa tensyon sa...

Mga eksperto duda sa sinseridad ng Tsina sa pagresolba sa tensyon sa S. China Sea

MANILA, Philippines- Duda ang political analysts at maritime law experts sa sinseridad ng China sa pagresolba sa tensyon sa South China Sea sa patuloy na pagsusulong ng Beijing na alisin ang BRP Sierra Madre mula sa Ayungin Shoal.

Nitong weekend, nanawagan si Chinese Foreign Minister Wang Yi called sa Pilipinas na makipagtulungan sa China upang makahanap ng epektibong paraan sa pagresolba sa tensyon matapos umanong gamitan ng Coast Guard ng China ang Philippine vessels na bahagi ng resupply mission sa Ayungin Shoal.

Subalit, inihayag ng local experts ang pagdududa nito sa sinseridad ng Beijing dahil nito lamang nakaraang linggo ay inakusahan nito ang Pilipinas na nais umanong permanenteng okupahin ang Ayungin Shoal, at inihirit na alisin ang BRP Sierra Madre na anito ay pangako ng Pilipinas.

Nakalagay na ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal mula pa 1999. Binabantayan ang barki ng mahigit isang dosenang Marines at sailors na naging simbolo na ng soberanya ng Pilipinas sa teritoryo.

Ang Ayungin ay matatagpuan 105.77 nautical miles mula sa Palawan at bahagi ng 200-nautical mile continental shelf ng bansa alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

“Walang any evidence na pinangako natin na aalisin natin ang BRP Sierra Madre, wala,” ayon kay Renato De Castro, isang political analyst at propesor ng De La Salle University (DLSU) sa ulat nitong Linggo.

“Maraming collective hallucination itong bansa na ito, no,” ayon naman kay Dr. Froilan Calilung, propesor sa Political Science Department ngUniversity of Santo Tomas (UST) sa parehong ulat.

Nilinaw naman ng Malacañang na hindi nangako ang Philippine government na aalisin ang BRP Sierra Madre mula sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Kasunod ang pahayag ng China ng paggamit ng Coast Guard nito ng “dangerous maneuvers and illegal use of water cannons” laban sa mga barko ng Philippine Coast Guard na sumama sa indigenous boats para maghatid ng pagkain, langis, tubig, at ibang suplay sa mga sundalo na ankatalaga sa BRP Sierra Madre.

Base kay LTJG Richard Lonogan, team leader ng Unaizah May 2 na isa sa vessels insidente, tila target ng Chinese ships ang kanilang smokestacks.

“So ‘pag napasukan kasi ng tubig ‘yan, didiretso ‘yan sa makina. ‘Pag dumiretso ‘yan sa makina, ibig sabihin wala na tayong propulsion,” pahayag niya.

“Galit tayo don sa ginawa nila… Hindi nila kino-consider ‘yung buhay ng mga nandon,” sabi naman ni LTJG Darwin Datwin.

Ilang bansa naman kabilang ang United States, Australia, Japan, at Canada, ang naghayag ng suporta sa Manila at tinuglisa ang mga aksyon ng China,.

Samantala, iginiit ng na iligal ang pagpasok ng Philippine ships sa Ayungin Shoal at lumabag sa batas sa isinagawang resupply mission.

“‘Yung ginagawa nga ng China, nag-iingat sila na hindi ito magmukhang blockade, na full-blown blockade… ‘Yun talaga ang style nila, ika nga, para hindi masabi ng mundo na they are committing an act of aggression,” sabi ni maritime law expert Jay Batongbacal.

“They should not resort to actions that are hostile, that are in violation of international law, that will endanger people’s lives,” ayon naman kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Medel Aguilar. RNT/SA

Previous articleLotto Draw Result as of | August 13, 2023
Next articleMaynilad: 16-hour service interruptions nagbabadya sa ‘network maintenance’