MANILA, Philippines – Mapapa-sana all na lang ang mga umaasa ng malaking Christmas bonus sa paparating na Pasko!
Ito ay matapos na ianunsyo ni Cebu City Mayor Michael Rama nitong Lunes, Oktubre 23 na makatatanggap ng malaking Christmas bonus ang mga empleyado ng Cebu City Hall.
Kasunod nito, inanunsyo rin ni Cebu City Vice Mayor Raymond Alvin Garcia na ang bawat empleyado ay posibleng makatanggap ng Christmas bonus na aabot sa P35,000.
Posible aniyang matanggap ng mga empleyado ang bonus pagsapit ng Nobyembre o hanggang Disyembre bago mag-Pasko.
Inatasan naman ni Garcia si City Legal Officer Jerone Castillo, City Administrator Collin Rosell, at City Treasurer Mare Vae Reyes na pabilisin ang pagproseso sa bonus. RNT/JGC