Home NATIONWIDE Mga empleyado sa Northern Mindanao may P33 kada araw na dagdag-sahod

Mga empleyado sa Northern Mindanao may P33 kada araw na dagdag-sahod

MANILA, Philippines – Makatatanggap ng P33 kada araw na salary increase ang mga manggagawa sa Northern Mindanao.

Ang wage hike ay ipatutupad sa dalawang tranch, P23 epektibo ngayong Disyembre 2023, at P10 sa Hulyo 1, 2024, ayon sa Wage Order No. RX-22 na inisyu ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Region X noong Disyembre 19, 2023.

Sa full implementation ng dalawang tranch, ang daily minimum wage rates sa rehiyon ay magiging P423-P438 sa non-agriculture sector, at P411-P426 sa agriculture sector.

Ang RTWPB ay nag-isyu rin ng Wage Order No. RX-DW-04, na nagpapataas sa buwanang sahod ng kasambahay ng P500 sa chartered cities at first-class municipalities, habang P1,500 sa ibang munisipalidad.

Magiging P5,000 na ang monthly rate wage sa lahat ng lugar sa rehiyon. RNT/JGC

Previous article300 pugante, huli sa Project Paskulong ng PNP
Next article5 patay, 3 sugatan sa banggaan ng trak, Innova sa Batangas