MANILA, Philippines – NAGPALABAS ng babala ang Department of Education (DepEd) laban sa mapanlinlang na scheme na tinatawag na “Labas-Casa.”
Target nito ang mga public school teachers na mayroon pang hinuhulugan na balanse o loan accommodation.
“We remind our teaching and non-teaching personnel, and the public as well, to remain vigilant against financial scams,” ayon sa DepEd.
Natuklasan kasi ng DepEd na mayroong 29 kaso na ang naisampa laban sa mga salarin ng fraudulent scheme na nagmula sa Pampanga.
Layon ng scheme na magbigay ng car loan sa mga guro na nahaharap sa financial difficulties kapalit ng ilang halaga ng pera kabilang na ang downpayment para sa unit.
Idagdag pa rito, pangangakuan ang biktima ng walang kapagod-pagod na kita sa pamamagitan ng pagpasok lamang nito sa transport network vehicle service (TNVS) sa oras na maaprubahan na ang kanilang loan.
“Unknown to the victims, the perpetrators have connections to some car dealerships and bank employees who will facilitate a pre-arranged loan approval,” ayon sa DepEd.
Kaagad naman na aabandonahin ng mga sangkot ang kanilang mga biktima sa oras na i-turn over na sa kanila ang mortgaged cars, bibigyan ng mas pahirap na kalagayang pinansiyal ang mga guro.
Samantala, tiniyak naman ng departamento sa publiko na “continue its close coordination with the authorities to apprehend the individuals behind this and further protect the welfare of teachers against such illegal activities.”
Idagdag pa, inanunsyo ng DepEd ang plano nito na magbigay ng “debriefing, counseling, at psychological first” sa mga guro na biktima ng naturang modus.
Ang payo ng departamento sa publiko ay kagyat na isumbong ang kahalintulad o ibang sitwasyon.
Mangyaring tumawag sa DepEd Public Assistance and Action Center sa 8636-1663 o 8633-1942 o magpadala ng email sa [email protected]. Kris Jose