MANILA, Philippines- Bilang paggunita sa World Teacher’s Day, pinuri ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Huwebes ang mga guro para sa kanilang sakripisyo para sa mga kabataan.
Tiniyak ni Marcos na kasama ang kapakanan ng mga guro sa prayoridad ng kanyang administrasyon.
“Happy World Teacher’s Day to our educators, to whom our nation owes an immeasurable debt,” ani Marcos sa maiksing post sa Facebook.
“We recognize your sacrifices for our youth and assure you that we will prioritize your welfare and that of your families,” dagdag niya.
Nauna nang sinabi ni Marcos na patuloy na tutugunan ang mga hinaing ng education sector.
Ito ang naging pangako ni Marcos kasabay ng pagkilala niya sa mga guro sa bansa na tinawag niyang “heroes of children’s education.”
Nitong Linggo, dumalo sina Marcos at Vice President and Education Secretary Sara Duterte sa isang concert na binibigyang-parangal ang mga gurong Pilipino sa Malacañang compound. RNT/SA