Home NATIONWIDE Mga guro sasanayin sa pagtukoy ng bullying incidents

Mga guro sasanayin sa pagtukoy ng bullying incidents

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes, Enero 11 na sinimulan na nito ang pagsasanay ng mga guro sa pampublikong paaralan upang matukoy ang warning signs ng bullying sa ilang paaralan.

“You have to be able to determine or identify learners that need intervention,” pahayag ni DepEd Undersecretary Michael Poa sa briefing sa Palasyo.

“And ang isang project ng DepEd ngayon is to come up with an effective screening system,” aniya.

“So alongside the screening system, gusto din natin mag-train teachers and parents to spot red flags.”

Ang bullying ang tinukoy bilang isa sa pangunahing mga isyu na kailangang tugunan sa mga paaralan.

Ani Poa, karamihan din sa mga sumbong na natatanggap nila sa anti-child abuse hotline ng DepEd ay may kinalaman sa bullying.

Kabilang dito ang cyberbullying sa ilang estudyante sa social media platforms.

Nakatanggap ang DepEd ng 27 ng insidente ng cyberbullying at 83 naman sa insidente ng physical bullying, habang mayroong 28 insidente ng verbal bullying.

Sa pahayag nitong Biyernes, inatasan na ng DepEd ang regional offices nito na magpasa ng kanilang mga ulat sa bullying at iba pang uri ng pang-aabuso.

Sinabi ng opisyal na hindi sapat ang hotlines bilang reporting measures ng DepEd, kaya kailangan pang pagbutihin ang reporting integration ng bullying situations sa mga paaralan.

“Kasi katulad nga nung kanina, natanong tayo kung mayroon ba tayong hotline, so that makes me feel that the department is not doing enough to really push itong… issue natin, itong reporting issue natin,” ani Poa.

Nasa 120 kaso ng reported bullying ang naresolba na ng DepEd, anang opisyal.

“We also want to see if we need to put in our curriculum the responsible use of internet,” ani Poa.

“So that is something we are looking at.”

Nakikipag-tulungan din ang DepEd sa Department of Health (DOH) sa pagbibigay ng serbisyo sa mental health at iba pang magagawa sa pagprotekta ng social at emotional well-being ng mga estudyante.

“Meron naman tayong budget na talaga for mental health so that is something that our operations team is crafting together with DOH pagdating sa mental health program, meaning counseling in schools, advocacies, and referral naman to the DOH pag kailangan na talaga ng experts,” ayon kay Poa. RNT/JGC

Previous articlePNP may persons of interest na sa pagpatay sa Sinulog Idol judge sa Cebu
Next articleAFP seryoso sa pagsuporta sa Bangsamoro peace process