Home HOME BANNER STORY Mga gustong bawiin pirma sa PI pumunta sa Comelec office – Garcia

Mga gustong bawiin pirma sa PI pumunta sa Comelec office – Garcia

MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na maaring magtungo sa mga local offices ng walang dalang written statement ang mga registered voters na nais mag-withdraw ng kanilang signatures para sa people’s initiative para isulong ang Charter Change.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, papayagan nila na ang withdrawal kung ang pangalan talaga ng botante na may lagda ay nasa kanilang record.

Sinabi ni Atty. Neri Colmenares ng Bayan Muna noong Linggo ay nag-post sa social media ng sample affidavits ng withdrawal of signatures para sa mga rehistradong botante na nagbago ng isip tungkol sa people’s initiative na rebisahin ang 1987 Constitution.

Nitong Linggo, inilabas ni Atty. Neri Colmenares of Bayan Muna sa social media sample ang mga affidavits ng signature withdrawal ng mga registered voters na nagbago ng kanilang isip tungkol sa people’s initiative to revise the 1987 Constitution.

Nakasaad na nasabing form ang : “It is my intention, by filing of this Affidavit of Withdrawal, to WITHDRAW my signature, therefrom, and hereby inform the COMELEC to consider my signature withdrawn from the same.”

Sinabi ni Garcia na kahit wala pang hurisdiksyon ang Comelec sa mga lagda na ipinasala mula sa ibat-ibang munisipalidad at lungsod sa buong bansa, ang poll body ay hindi pa nakakatanggap ng anumang ulat ng pagbawi ng mga lagda.

“Sa kasalukuyan hanggang noong Biyernes, wala pa tayong natatanggap sa anumang bahagi ng bansa na kung saan nakapangalap ng mga lagda na gusto mag-withdraw. Sabi nga natin, maganda ang ganyan kung saka sakaling meron at least mae-entertain ‘yan ng Comelec,” sabi ni Garcia.

Sa ngayon , nakatanggap na ang Comelec ng mga she gnature forms mula sa 1,072 munisipalidad at lungsod hanggang Enero 26,2024.

Sinabi ni Garcia na ang naturang bilang ay hindi pa sapat para sa people’s initiative. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleBahay sa Munti ni-raid, mga di-lisensyadong baril at bala nakumpiska
Next articleAmihan tatagal ‘gang gitnang-Pebrero