Home HOME BANNER STORY Mga holiday sa 2024 inilabas na ng Malakanyang

Mga holiday sa 2024 inilabas na ng Malakanyang

MANILA, Philippines – IPINALABAS na ng Malakanyang ang mga tinukoy na regular holidays at special non-working days ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa taong 2024.

Nakasaad sa Proclamation No. 368 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, nito lamang Oktubre 11, araw ng Miyerkules, na dapat na ipatupad ng Department of Labor and Employment ang guidelines para sa nasabing proklamasyon.

Ang proklamasyon ay kagyat na magiging epektibo at dapat na nakalathala sa pahayagan na may general circulation.

Sa ilalim ng Proclamation No. 368, idineklara ni Pangulong Marcos ang mga sumusunod na regular holidays:

Jan. 1 New Year’s Day
March 28 Maundy Thursday
March 29 Good Friday
April 9 Araw ng Kagitingan
May 1 Labor Day
June 12 Independence Day
Aug. 26 National Heroes Day (Last Monday of August)
Nov. 30 Bonifacio Day
Dec. 25 Christmas Day
Dec. 30 Rizal Day

Sa kabilang dako, ang mga sumusunod naman ay idineklara bilang special (non-working) days:

Aug. 21 Ninoy Aquino Day
Nov. 1 All Saints’ Day
Dec. 8 Feast of the Immaculate Conception of Mary
Dec. 31 Last Day of the Year

Ang karagdagang special (non-working) days:

Feb. 10 Chinese New Year
March 30 Black Saturday
Nov. 2 All Souls’ Day
Dec. 24 Christmas Eve

“The proclamations declaring national holidays for the observance of Eid’l Fitr and Eid’l Adha shall hereafter be issued after the approximate dates of the Islamic holidays have been determined in accordance with the Islamic calendar (Hijra) or the lunar calendar, or upon Islamic astronomical calculations, whichever is possible or convenient,” ang nakasaad sa proklamasyon.

Dahil dito, pinayuhan ang National Commission on Muslim Filipinos, na sa tamang panahon ay irekumenda sa Office of the President (OP) ang aktuwal na petsa kung saan ang Eid’l Fitr and Eid’l Adha holidays ay tatama o babagsak.

Previous articlePNP findings sa pagkasawi ng estudyanteng sinampal, ‘di matanggap ng pamilya
Next articleDrayber patay sa road rage sa Tondo