Home NATIONWIDE Mga jeep na ‘di nakiisa sa PUV consolidation ‘kolorum’ na simula sa...

Mga jeep na ‘di nakiisa sa PUV consolidation ‘kolorum’ na simula sa Pebrero

MANILA, Philippines- Sinabi ng pamahalaan na simula sa susunod na buwan, ikokonsidera nang kolorum at huhulin ang mga hindi nakapag-consolidate na PUV.

Ito ang binigyang-diin nina LTFRB chairman Teofilo Guadiz at Office of Transportation Cooperatives chairman Andy Ortega sa kabila ng pagkuwestiyon ng ilang mambatas sa PUV modernization.

Iginiit nina Guadiz at Ortega na mismong si Pangulong Marcos na mismo ang nagbigay ng go signal hinggil dito.

Anila, alam ni Pangulong Marcos ang bawat detalye sa programa.

Sinabi din ni Ortega na mayorya ng mga operator ang na-consolidate na.

Sa datos ng LTFRB, 75 porsyento sa buong bansa ang nag-consolidate o bahagi na ng kooperatiba na pangunahing requirement ng programa.

Sa datos, umaabot mahigit 30,000 ang hindi nakapag-consolidate

Pero ayon kina Guadiz at Ortega, sa bilang na ito ay marami ang matagal nang hindi bumibiyahe.

Kaugnay nito, inihayag ni Ortega na mananatili silang bukas sa mga mungkahi upang higit na mapaganda ang PUV modernization.

Nauna nangg sinabi ni Pangulong Marcos na kailangan talaga ng modernisasyon ng mga pampublikong sasakyan para labanan ang climate change. Santi Celario

Previous articleWHO: Holiday gatherings, JN.1 variant mitsa ng pagkalat ng COVID-19
Next articleAmnesty sa 11 kasapi ng CPP-NPA na kinasuhan sa pananambang sa mga sundalo, malabo na