Home NATIONWIDE Mga kabataan, nais palayain ni VP Sara sa ‘armed struggle’

Mga kabataan, nais palayain ni VP Sara sa ‘armed struggle’

MANILA, Philippines – Kasabay ng pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, nanawagan si Vice President Sara Duterte nitong Lunes, Hunyo 12 sa bansa na suportahan ang education sector na palayain na ang mga kabataan mula sa armed struggle.

Sa mensahe ni Duterte na siya ring umuupo bilang Education Secretary, sinabi nitong nagsisilbing inspirasyon ang ilang daan ng kabayanihan para isulong ang kaunlaran at palayain ang mga Filipino mula sa kahirapan, insurgency, drug addition at iba pang banta sa seguridad ng bansa.

“Let us rally behind our education sector to enable our children and youth to break free from the dangers of armed struggle so that they can realize their full potential and serve as agents of positive change in society,” ani Duterte.

Nagpasalamat naman siya sa mga modern-day hero sa paglaban sa kalayaan ng bansa mula sa terorismo, kriminalida, korapsyon at komunismo.

“Let our cherished freedoms and liberties lead us to a more just society upholding the greater good of our kababayan. Above all, may we continue to find the indelible mark of heroism not just in the unfurled and hoisted colors of our Philippine flag but also in our shared resolve to build a better way of life, defend our people’s liberties, and protect our Republic,” sinabi pa ni Duterte.

Kasalukuyang nasa Brunei si Duterte na bahagi ng kanyang mandato bilang pangulo ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO). RNT/JGC

Previous articleAktibidad ng Mayon, Taal at Kanlaon ‘isolated’ case lang – PHIVOLCS
Next articleNANANATILING MATAAS ANG POSIBILIDAD NG PAGKAKAROON NG EL NIñO