MANILA, Philippines – PAWANG mga kabataan ang biktima ng fake news dahil sa pagiging pinaka-social media savvy ng mga ito.
Bukod dito, ang mga kabataan din ayon kay Communications Undersecretary for Digital Media Services Emerald Ridao ang pinaka-exposed sa internet.
Ito ang dahilan ayon sa Presidential Communications Office (PCO) kung bakit paiigtingin nila ang kampanya laban sa fake news.
Batid aniya kasi ng PCO na maraming mga filipino partikular na nga ang mga kabataan ang nahuhulog sa bitag ng “disinformation at misinformation.”
“So, sila po muna ‘yung unang-unang target namin before we move to other sectors,” ayon kay Ridao.
“Based on the findings of the PCO’s recent study, around nine of 10 Filipinos are either “victim of fake news” or having a “problem in their everyday interaction with information [and] media,” ayon pa rin kay Ridao sabay sabing “So, malaking number na po ito. This is enough for us to know that this is a problem that the PCO needs to answer.”
Dahil dito, makikipagtulungan aniya ang PCO sa Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) para palawakin ang Media and Information Literacy (MIL) modules na aniya’y available na sa mga paaraalan.
Tinuran ni Ridao na may plano na palawigin ang MIL modules sa pamamagitan ng itaas ang kamalayan ukol sa
‘fake news peddlers’ gamit ang artificial intelligence (AI) sa pagpo-promote ng misinformation at disinformation.
“The use of artificial intelligence is now strong, unfortunately, in creating fake news,” ayon kay Ridao sabay sabing “So the MIL program teaches our students how to take that moment to analyze kung ito ba mayroon siyang markers ng legitimate information o kaya kailangan ko pang itsek ano kaya ‘yung source nito, ilang sources ang nagsabi ng information na ito, and ‘yung mga sources ba na ‘yun ay legitimate in their fields of information. Ganoong klaseng habit po ang bini-build natin .”
Aniya pa, nais ng PCO, bilang pangunahing communications arm ng gobyerno na i-promote ang “legitimate government pages.”
HIndi naman kasi aniya lingid sa kaalaman ng publiko kung paano siraan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamamagitan ng pagpapakalat ng misinformation.
“We’ve even seen it being done to our President. Because he is always in the media, everyday his face is on TV, it has become very easy for people to use AI to manipulate, unfortunately, his messages,” ayon kay Ridao.
“In line with the celebration of Communications Month in October, the PCO will launch the Campus Caravan and hold an MIL Summit,” dagdag na wika nito.
Samantala, ang pagdiriwang ngayong taon ng Communications Month ay may temang “CommUNITY: Nagkakaisang Tinig Tungo sa Bagong Pilipinas,” nagpapakita ng pagkakaisa ng mga government institutions sa pamamagitan ng pagpapakita ng whole-of-government approach sa paglaban sa “misinformation at disinformation” habang pinangangalagaan ang “sense of unity” sa hanay ng mga kabataan at estudyante.