MANILA, Philippines – Oobligahin na ng lokal na pamahalaan ng Cebu City ang mga kainan at iba pang food establihments sa lungsod na magbigay ng ‘hal-rice’ option sa mga customer.
Ito ay kasunod ng paglalabas ng lokal na pamahalaan ng ordinansa sa mandatory half-rice option bilang bahagi ng lungsod kontra sa mga nasasayang na kanin.
Ipinag-utos ng konseho ang City Health Office na magsagawa ng inspeksyon sa food establishments upang masiguro na sumusunod ang mga ito sa ordinansa.
Ang mahuhuling lalabag ay magmumulta ng P5,000 at posibleng masuspinde ang kanilang business permit. RNT/JGC