Home NATIONWIDE Mga kandidato sa 2025 midterm polls magtatapatan para sa 18K pwesto

Mga kandidato sa 2025 midterm polls magtatapatan para sa 18K pwesto

MANILA, Philippines- Mahigit 18,000 national at local positions ang naghihintay para sa May 2025 midterm elections.

Sa inilabas na datos ng Comiision on Elections (Comelec) nitong Biyernes, 18,271 elective posts ang paglalabanan sa 14 magkakaibang posisyon sa susunod na taon.

Para sa national position, 12 senatorial seats, 63 seats para sa party-list representatives at 254 seats para sa congressional district representative ang available.

Paglalabanan naman para sa local offices ang 82 seats para sa gobernador, 82 seats para sa bise gobernador at 792 seats para sa provincial board members.

Para sa city positions, mayroong 149 seats para sa mayor, 149 seats para sa vice mayor at 1,682 seats para sa councilors.

Sa municipal level, ang bukas na posisyon ay 1,493 seats para sa mayor; 1,493 seats para sa vice mayor; at 11,948 seats para sa councilors.

Sinabi ng Comelec na mayroong 32 parliament members seats at 40 party-list representatives seats sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Jocelyn Tabangcura-Domenden