Home METRO Mga kandidato sa BSKE sa Parañaque lumagda ng peace covenant

Mga kandidato sa BSKE sa Parañaque lumagda ng peace covenant

MANILA, Philippines – Lumagda sa isang peace covenant ang mga kandidatong tatakbo sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Parañaque City na ginanap sa lokal na tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) nitong nakaraang Biyernes Setyembre 22.

Ang seremonya ng paglalagda ay ginanap sa Parañaque City Sports Complex na matatagpuan sa Barangay San Antonio, sa lungsod.

Ang paglagda sa covenant ng mga kandidato na nagmula sa kabuuang 16 na barangay sa District 1 at 2 ng lungsod ay nagpapakita ng kasiguruhan sa pagkakaroon ng tahimik na pangangampanya sa election period.

Kasabay nito ay nagsagawa din ang Comelec ng oryentasyon at briefing session sa mga kandidato sa naturang kaganapan.

Ang naturang programa ay inorganisa ng Comelec – Parañaque City na pinamumunuan ni District 1 election officer Atty. Nesrin Cali at District 2 election officer Atty. Mario Vernar Esguerra para sa tahimik, maayos at matagumpay na pagsasagawa ng BSKE.

Dinaluhan din ni Parañaque City police chief P/Col. Reycon L. Garduque ang naturang okasyon. James I. Catapusan

Previous articleMigration sa Mediterranean, dapat tugunan nang makatao – Pope
Next articleMatadero patay sa kinakatay na baboy