Home NATIONWIDE Mga kasambahay sa Central Luzon may taas-sahod sa Abril 1 – DOLE

Mga kasambahay sa Central Luzon may taas-sahod sa Abril 1 – DOLE

MANILA, Philippines – Simula Abril 1 ngayong taon ay matatanggap na ng mga kasambahay sa Central Luzon ang mas mataas na sahod matapos maglabas ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board motu propio ng wage order No. RBIII-DW-04 na nagdaragdag sa monthly minimum wage rate ng kasambahay ng P1,000 sa chartered cities at first class municipalities at P1,500 sa iba pang munisipalidad.

Ang pagtaas ay magdadala sa monthly minimum wage sa rehiyon sa P6,000.

Inaasahang magbebenipisyo ang kabuuang 126,762 domestic workers ang wage increase ng mga kasambahay ng tinatayang 9% (11,595).

Alinsunod sa umiiral na batas at patakaran, ang wage order ay isinumite sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) para sa pagsusuri at pinagtibay noong Marso 12, 2024.

Ang wage order ay ilalathala sa Marso 16, 2024 at magkakabisa pagkatapos ng 15 araw mula sa paglalathala nito o sa Abril 1. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePaslit napatay sa hataw ng payong
Next articleBangkay ng batang babae, isinilid sa sako; ginahasa bago pinatay