Home NATIONWIDE Mga Katoliko hinimok ng CBCP na lumahok sa Walk of Life

Mga Katoliko hinimok ng CBCP na lumahok sa Walk of Life

MANILA, Philippines – Hinikayat ng Catholic Bishop Conference of the Philippines ang mga Katoliko na sumama sa gagawing Walk for Life sa Sabado sa University of Sto. Tomas.

Pangungunahan ng mga Obispo, pari, madre, mga layko at iba pa ang naturang aktibidad na layong hikayatin ang mga Kristiyano na pahalagahan ang buhay at ipanalangin ang mga namatay na sanggol dahil sa kapabayaan.

Ang Walk for Life ay magsisimula mula Quirino Grandstand sa Maynila at Welcome Rotonda sa Quezon City patungong oval ng UST sa Espanya Boulevard Maynila.

Pagdating sa UST ay isang misa ang pangungunahan ni Manila Cardinal Jose Advincula na arsobispo ng Maynila.

Ang Tema ng Walk for Life ngayong taon ay ‘Together, We Walk for Life’ kung saan tatayo bilang guest speaker si Bernard Canaveral ng Pro Life Philippines.

Sinimulan ang Walk for Life noong 2017 bilang pagkondena sa walang humpay na pagkitil ng buhay dahil sa ikinasang drug war ng nakaraang administrasyon.

Mula noon ay naging taon-taon na ang ginagawang Walk for Life para protektahan ang bawat buhay mula sa abortion, divorce at same sex marriage. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleTIGNAN: Trahedya sa simbahan sa SJDM ngayong Ash Wednesday
Next articleApo Whang-Od, pinarangalan ni PBBM