VATICAN CITY – Kinumpirma ng Vatican ang pagbabawal sa mga Katoliko na maging Freemason, isang centruryes-old secretive society na matagal nang tinitignan ng Simbahang Katoliko na may poot at may tinatayang pandaigdigang miyembro na hanggang anim na milyon.
“Active membership in Freemasonry by a member of the faithful is prohibited, because of the irreconcilability between Catholic doctrine and Freemasonry,” sinabi ng Vatican’s doctrinal office sa isang kalatas na inilabas ng Vatican media nitong Miyerkules, Nobyembre 15.
Ang departamento na kilala bilang Dicastery of the Doctrine of the Faith ay naglabas ng opinyon nito, na may petsang Nobyembre 13 at na-countersign ni Pope Francis, bilang tugon sa isang Obispo mula sa Pilipinas na naalarma sa dumaraming bilang ng mga Freemason sa kanyang bansa.
Sinabi rin na ang mga transgender ay maaaring ma-bautismuhan at magsilbi bilang mga ninong at ninang, at umakto bilang witnesses sa Catholic weddings.
Binanggit sa liham sa Freemasons ang isang deklarasyon noong 1983, na nilagdaan ng yumaong Pope Benedict XVI, noong panahong pinuno ng doktrina ng Vatican, na nagsasaad na ang mga Katoliko “sa mga asosasyong Mason ay nasa isang estado ng matinding kasalanan at maaaring hindi tumanggap ng Banal na Komunyon.”
Karaniwang mga lipunang panlalaki lamang ang mga masonic lodge na nauugnay sa mga arcane na simbolo at ritwal. Minsan din sila ay naiugnay sa mga teorya ng pagsasabwatan na nagpaparatang ng hindi nararapat na impluwensya sa mga gawain sa mundo.
Ayon sa United Grand Lodge of England, ang modernong Freemasonry “ay isa sa pinakamatandang organisasyong panlipunan at kawanggawa sa mundo,” na nag-ugat sa mga tradisyon ng medieval stonemasons. Jocelyn Tabangcura-Domenden