Home NATIONWIDE Mga katolikong Pinoy nanalangin ng kapayapaan sa gitna ng Israel-Hamas war

Mga katolikong Pinoy nanalangin ng kapayapaan sa gitna ng Israel-Hamas war

MANILA, Philippines – Nanalangin ang daan-daang Pilipinong Katoliko nitong Biyernes para matigil ang labanan sa pagitan ng Israel at mga militanteng Hamas, bilang tugon sa panawagan ni Pope Francis para sa isang global prayer vigil.

Sa Manila Cathedral, daan-daan ang personal na nakiisa sa Misa at sa pamamagitan ng livestream, nagdasal ng rosaryo, at nag-confession.

Binigyan-diin ni Manila Cathedral Rector Msgr. Rolando Dela Cruz ang kahalagahan ng makikipagdayalogo upang makamit ang kapayapaan.

“With a heart full of sorrow for the horrors of hatred, violence and war that are afflicting the Holy Land, let us raise our supplication to God, the King of Peace that Israelis and Palestinians can find the path to dialogue,” sabi ni Dela Cruz.

Sinabi ni Dela Cruz na walang bagay na hindi mangyayari sa magandang pag-uusapan para makamit ang kapayapaan, hindi ‘yung bunot agad ng baril.

“But when we come to the table to dialogue, both sides must bring purity of heart, good intentions, good faith… There must also be fairness and justice,” dagdag pa.

Nag-alay din ng panalangin ang Manila Cathedral Vice Rector Father Vicente Gabriel Bautista, na nanguna sa misa sa umaga para sa lahat ng apektado ng matinding bakbakan sa pagitan ng Israel at Hamas.

“We offer this holy Mass in honor of the Blessed Virgin Mary Queen of Peace as we join the Holy Father, Pope Francis himself, in this world wide day of prayer, penance and fasting for peace in the whole world, most especially for our brothers and sisters struggling in the Middle East,” saad ni Fr. Bautista.

“Let the Prince of Peace, move our hearts, teach us his ways and lead us to peaceful dealings with each other and to begin again this beautiful life in peace and with great love for one another,” dagdag pa ng pari.

Oktubre 18 nang umapela sa mga mananampalataya si Pope Francis sa kanyang general audience sa Vatican na maglaan ng araw para sa isang panalangin at pagninilay para sa kapayapaan.

Hinimok nito ang mga naniniwalang Kristiyano at iba pang religious traditions na makiisa sa inisyatibo.

“War does not resolve any problem — it sows only death and destruction, foments hate, and proliferates revenge. War cancels our future. I urge believers to take just one side in this conflict — that of peace,” sabi ni Pope Francis.

Ang tensyon sa pagitan ng Israel at Hamas ay nagpapatuloy sa loob ng maraming taon. Lumaki ang karahasan sa isang ganap na digmaan nang ilunsad ng Hamas ang pag-atake nito sa Israel noong Oktubre 7, na ikinamatay ng mahigit isang libong tao.

Mayroong humigit-kumulang 30,000 Pilipino sa Israel, karamihan ay nagtatrabaho bilang mga tagapag-alaga, sinabi ng mga opisyal ng Pilipinas. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleRemulla, Catapang abswelto sa isinampang murder case ni Bantag
Next article11.6-M senior citizen boboto sa BSKE