MANILA, Philippines- Tiniyak ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapàng Jr. na wala nang kubol sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).
Sinabi ni Catapang na giniba ang nasa 8,812 na kubol na nasa loob ng 11 gusali sa NBP.
Nabatid na ang mga kubol ay para sa personal na gamit ng ilang PDLs gaya ng mga mayores.
Siniguro ng Bucor chief na transparent na ang mga selda sa loob ng NBP at plano na rin ng NBP management na maglalagay ng dagdag na CCTV sa loob ng NBP.
Sa ginawang paggiba sa mga kubol, narekober ang 11 baril, mga cellphone at television sets.
Umabot din ng dalawang linggo ang paggiba sa mga kubol sa NBP. Teresa Tavares