Home NATIONWIDE Mga kukuha ng pagsusulit, personal na binati ng Bar Chair

Mga kukuha ng pagsusulit, personal na binati ng Bar Chair

502
0

MANILA, Philippines – Nagsimula na ang 2023 Bar examinations na tatagal ng tatlong araw.

Nasa halos 11,000 law graduates ang nagtungo sa iba’t ibang local testing centers para sumabak sa isa sa pinakamahirap na pagsusulit.

Personal na sinalubong ni Supreme Court (SC) Associate Justice Ramon Paul Hernando, chairperson ng 2023 Bar exams ang mga examinees sa testing venue sa San Beda College Alabang.

Ang San Beda College Alabang ang nagsisilbi rin na national headquarters para sa Bar Exams.

Kabilang sa iba pang local testing centers ang San Beda University – Manila; UST-Manila; Manila Adventist College; University of the Philippines – Bonifacio Global City; Saint Louis University; Cagayan State University; at University of Nueva Caceres sa Luzon; University of San Jose – Recoletos; University of San Carlos; at Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation sa Visayas; at Ateneo de Davao University at Xavier University sa Mindanao.

Magpapatuloy ang Bar exams sa Setyembre 20 at 24. Teresa Tavares

Previous articleFrench ski resort nagsara, kulang na sa snow
Next articleDayuhan nagsarili sa publiko sa Maynila, arestado!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here