Home NATIONWIDE Mga kukuha ng Shari’ah Bar exam isasalang muna sa training

Mga kukuha ng Shari’ah Bar exam isasalang muna sa training

MANILA, Philippines – Isasalang sa technical training ang mga nagnanais kumuha ng 2024 Shari’ah Bar Exams.

Sa Bar Bulletin na inisyu ni Shari’ah Bar Chair at Associate Justice Maria Filomena Singh, layon ng training na maging pamilyar ang examinees sa interface ng exam software na gagamitin.

Sa harap na rin ito ng digitalization ng Shari’ah Bar Exams (SBE) ngayong taon.

Pinaliwanag ni Justice Singh na layon ng pagsasanay na maging pamilyar ang examinees sa interface ng exam software na gagamitin.

Gaya nang paggamit ng assigned passwords, pag-download ng questionnaire, pagsasagot ng exam at pag-upload ng mga sagot.

Ang Management Information Systems Office (MISO) ng SC ang magsasagawa ng technical training sa mga aspirante.

Isa sa mga pagdarausan nito ang Supreme Court para sa NCR na itinakda sa Enero 23 hanggang 24.

May mga venue din ng pagsasanay sa Cebu City, Cagayan de Oro City, Maguindanao del Norte, Marawi City, Tawi- Tawi, General Santos City at Zamboanga City na naka-iskedyul ngayong Enero hanggang Pebrero.

Hindi kasali sa technical training ang mga kumuha ng computerized bar exams noong 2020/2021, 2022 at 2023 at ang mga kukuha ng SBE sa Arabic. Teresa Tavares

Previous articleLaguna Lake bubuhayin ng DA para maging pangunahing pagkukunan ng isda
Next articleBong Go: Tuloy ang paglapit ng serbisyong medikal sa taumbayan