Home NATIONWIDE Mga lagda sa People’s Initiative pwedeng bawiin – Comelec

Mga lagda sa People’s Initiative pwedeng bawiin – Comelec

MANILA, Philippines – Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na may karapatang bawiin ng mga botante ang kanilang pirma para sa kampanya para isulong ang charger Change o Cha-Cha sa pamamagitan ng people’s initiative kung sa pakiramdam nila ay nalinlang o napuwersa na pumirma.

Sinabi ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco na maaring magtungo sa election officers at magbigay ng sinumoaang salaysay na binabawi ang pinirmahan sa anumang kadahilanan.

Gayunpaman, aminado ang ilang botante na wala silang gaanong alam tungkol sa 1987 Constitution .Marami rin ang nagsasabi na sila ay inalok ng cash assistance kapalit NH pagpirma ng form.

Binigyan-diin ni Laudiangco na mahalaga para sa mga nais mag-withdraw ng kanilang pirma na personal na maghain ng kanilang pahayag o reklamo upang payagan ng komisyon na alisin ang kanilang pangalan at pirma sa listahan.

Magagawa ito anumang oras habang pinoproseso at bini-verify ng poll body ang pirmang isinumite sa kanila.

Maari rin aniyang maghain ng motu proprio investigation ang Comelec basta may factual basis.

Itinanggi ng PIRMA ang anumang pagkakasangkot sa umano’y payoffs at paggamit ng programa ng gobyerno upang akitin ang mga botante na suportahan ang kanilang signature drive para sa Cha-cha. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleKahit guilty sa bribery, Jinggoy mananatiling senador – Zubiri
Next articleTravel advisory ng Canada vs Pinas kinontra ni Año