Home ENTERTAINMENT Mga lalaking na-link kay Dom, nagsalita na!

Mga lalaking na-link kay Dom, nagsalita na!

Manila, Philippines – It’s their common passion for riding the motorcycles that has bonded them together.

Ito ang iginiit ni Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos na nadadawit sa breakup nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Nabalita kasi na ang may-ari ng condo unit na tinitirhan ni Dom ay pag-aari ni Bullet.

Ang siste, pinalabas ng ilang iresponsbleng mamamahayag na “sugar daddy” ni Dominic si Bullet.

Ayon mismo kay Bullet na nakapanayam sa YouTube channel ni Jay Ruiz, mga sampung taon na raw silang magkaibigan ni Dom.

Nagsimula raw ang kanilang pagkakaibigan sa hilig sa motor noong magkakilala sila sa Clark.

As for the condo unit, totoo raw na pag-aari niya ‘yon pero nilinaw niya na sa loob ng panahong nirentahan ‘yon ni Dom ay nagbabayad ito ng buwanang upa.

May tatlong taon din daw inupahan ni Dom ang unit na ‘yon.

Panahon daw ‘yon ng pandemya.

Katwiran ni Bullet, he might as well have it rented since lagi siyang nasa Dapitan City at may tirahan naman siya sa Alabang.

Samantala, nag-react din si Quezon City fourth district Representative Bong Suntay na dawit din sa Bea-Dom breakup.

Pinalalabas ding may romantic involvement siya sa dating nobyo ng aktres.

Noong una raw ay tinatawanan lang daw ni Bong ang tsismis.

Aniya’y nakakakuha naman ng libreng publisidad ang Clean Fuel, gasolinahan na umano’y ibinigay niya kay Dom.

Inamin ni Bong na noong una’y kinuha nila si Dom bilang “celebrity driver.”

Kinalaunan ay ginawa na nilang brand ambassador si Dom.

Pinagtawanan lang din ni Bong ang tsismis dahil maging ang mga kaibigan at kakilala niya’y tanungan nang tanungan lalo’t kasarian na niya ang pinag-uusapan.

Sa parte naman ni Bullet, inamin niyang may konsekwensyang kaakibat ang pagdawit sa kanilang mga pangalan.

“May batas tayo, eh,” sabi ni Bullet na nagpahaging na ng kanyang gagawing legal action laban sa mga mapanirang alegasyon laban sa kanila. Ronnie Carrasco III

Previous articleNag-iisang Pinoy sa Gaza ligtas – embahada
Next articleAirfare nagbabadyang tumaas sa Marso