Home NATIONWIDE Mga lugar na mawawalan ng tubig sa susunod na linggo, alamin!

Mga lugar na mawawalan ng tubig sa susunod na linggo, alamin!

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng West zone concessionaire na Maynilad Water Services, Inc. ang isang linggong pagkagambala sa tubig sa ilang bahagi ng Caloocan, Navotas, at Valenzuela.

Simula Lunes, Oktubre 23, magsasagawa ang Maynilad ng network maintenance activities sa gabi at madaling araw na magreresulta sa minimal hanggang sa walang serbisyo ng tubig sa ilang kabahayan sa loob ng tatlong lungsod.

Ang pagpapanatili ay sinasabing patuloy na pagsisikap upang mapabuti ang serbisyo ng tubig ng Maynilad.

Ang mga sumusunod ay ang mga listahan ng mga apektadong lugar at ang kanilang iskedyul.

Simula sa Oktubre 23 hanggang 24, mula 11:00 PM hanggang 4:00 AM. Sa Caloocan City — Brgys. 21 hanggang 31, at 159, Navotas City — Navotas West, Sipac-Almacen, Bagumbayan North, Navotas East and West, Valenzuela City — Kanlurang Canumay. Sa Okt. 24 hanggang 25, mula 11:00 PM hanggang 4:00 AM ay sa Caloocan City — Brgys. 5, 9, 13, 46 hanggang 49, 50, 51, 87, 89, 92, 94, 96, 136, 138, 139, 146 at 150. Sa Okt. 25 hanggang 26, mula 11:00 PM hanggang 4:00 AM, mawawalan ng tubig sa Navotas City — Brgys. Tangos, San Rafael, Northbay Boulevard (North). Sa Oktubre 26 hanggang 27, mula 11:00 PM hanggang 4:00 AM kung saan sa Caloocan City — Brgys. 92, 94 hanggang 100, 110, at 116,Navotas City — Tangos. Okt. 27 hanggang 28, mula 11:00 PM hanggang 4:00 AM.Caloocan City — Brgys. 25, 29, 30, 32 hanggang 35, 65 hanggang 67, 69, 70, 75, 99 hanggang 102 at Balingasa .Navotas City — Northbay Boulevard (North), San Jose.

Pinapayuhan ang mga residente na simulan ang pag-imbak ng kanilang suplay ng tubig upang mabawasan ang abala. Kung sakaling magkaroon ng emergency, naroroon ang mga water tanker ng Maynilad upang tumulong sa mga barangay na nakalista sa itaas. Merly Iral

Previous article‘Di awtorisadong campaign materials pinagbabaklas ng Comelec
Next articlePark, open spaces makatutulong sa mental health campaign – Angara