Home NATIONWIDE Mga magsasaka bibigyan ng ₱10B fuel, fertilizer assistance 

Mga magsasaka bibigyan ng ₱10B fuel, fertilizer assistance 

MANILA, Philippines- Mahigit ₱10 bilyong fuel at fertilizer assistance ang ibibigay sa mga magsasaka ngayong taon upang maitaas ang food production, ayon sa Department of Budget and Management (DBM) nitong Lunes.

Sinabi ng DBM na ang ₱9.561 bilyon ay para sa fertilizer discount vouchers habang ang ₱510.4 milyon ay para sa fuel assistance sa ilalim ng Department of Agriculture (DA).

“Of the P9.561 billion, P6.161 billion shall be used for fertilizer assistance to complement the DA Hybrid Seed Program and P3.4 billion for the DA Inbred Certified Seed Program,” pahayag ng ahensya.

“Bukod po sa pagpapalakas ng produksyon at suplay ng pagkain sa bansa, nais po ng ating mahal na pangulo na mabigyan ng nararapat na tulong ang ating local famers,” ani Budget Secretary Amenah Pangandaman. 

Anang DBM, nakalaan ang fertilizer aid program para sa major rice-producing provinces, habang saklaw din ng fuel assistance para sa mga magsasaka ang operational expenses sa pamamahagi ng tulong. RNT/SA

Previous articleTolentino out, Pia Cayetano in bilang Senate blue ribbon chairperson
Next article2 engineering studes kalaboso sa ‘dirty finger’ picture