Home NATIONWIDE Mga magsasaka sa Pinas, pabata nang pabata – DA

Mga magsasaka sa Pinas, pabata nang pabata – DA

MANILA, Philippines – BUMABA  ang ‘average age’ ng mga Filipinong magsasaka
sa mas nakababatang henerasyon na mas pinili na sumali sa sektor ng agrikultura.

Sinabi ni Department of Agriculture official (DA) Assistant Secretary Arnel de Mesa ang dating ‘average age’ ng mga magsasaka sa bansa ay 57 taong gulang kung saan ay bumaba ito sa 49 hanggang 50  taong gulang, base sa kanilang registry system.

“Bumababa, ibig sabihin maraming pumapasok na mas bata kasya iyong nauna,” ayon kay de Mesa.

Aniya pa, hindi naman bumababa ang bilang ng mga magsasaka at livestock growers.

“Actually, hindi bumababa iyong number of farmers, iyong registry system natin we have 12 million na magsasaka, iba-iba ito from rice, corn, coconut kasama na iyong fishers dito, kasama na rin dito iyong mga livestock growers,”  ang sinabi ni de Mesa.

Aniya, maaaring iturong dahilan dito ay ang mga indibiduwal na maagang nagretiro at nagdesisyon na lamang ang kanilang pagmamahal sa pagsasaka.

“Actually marami rin—lalo na iyong mga nasa gobyerno nasa private nakilala ko after nilang magsilbi ay babalik sila sa love for farming,”  anito.

Samantala, aktibong isinusulong naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa ‘younger generations’ lalo na sa mga kabataan na tumulong na pataasin ang pagiging produktibo ng agriculture sector.

Kabilang naman sa mga  programa ng  DA  na kamakailan lamang na inilunsad ay ang Young Farmers Challenge (YFC), nag-aalok ng financial grant assistance para sa mga kabataan na nais na maugnay sa bagong  agri-fishery enterprises.

Patuloy din na nag-aalok ang departamento ng scholarship para sa agriculture-related courses. Kris Jose 

Previous articleShabu itinago sa bra, 2 huli sa buy-bust
Next articleSuplay ng baboy, itlog sapat sa Christmas season