Sinabi ng World Health Organization (WHO) na tinutulungan nito ang dumaraming bilang ng mga magsasaka na tumalikod sa Tabako upang mapalakas ang food security lalo na sa Africa.
Sa pagdiriwang ng World No Tobacco Day sa Miyerkules, sinabi ng WHO na nakipag-team up ito kasama ang iba pang United Nations agencies upang suportahan ang mga magsasaka na na gustong magpalit mula sa pagtatanim ng tabako patungo sa pagtatanim ng pagkain.
Ang pilot scheme sa Kenya ay napatunayang matagumpay at ngayon ay nais ng UN na i-export ito sa ibang mga bansa at kontinente.
Sinabi ni Ruediger Krech, ang WHO’s director for health promotion, na 349 milyong indibidwal ang nahaharap sa acute food security at ito ay tumaas mula sa 135 milyon noong 2019
“Then we have 124 countries which grow tobacco as a cash crop, covering an estimated 3.2 million hectares of land. Approximately 200,000 hectares of land are cleared every year for tobacco crop growing.”ayon pa kay Krech sa mga mamahayag sa Geneva .
Ayon sa WHO, higit pa sa mga epekto nito sa kalusugan ng mga naninigarilyo at magsasaka, ang pagtatanim ng tabako ay nagdudulot ng problema para sa seguridad ng pagkain.
Nag-aalala ang UN health agency na ang mga kumpanya ng tabako ay nakakakuha ng pagtaas ng posisyon sa Africa, na may pagtaas ng halos 20 porsiyento sa mga plantasyon ng tabako sa buong kontinente mula noong 2005.
Advertisement