MANILA, Philippines – Inihayag ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nitong Lunes, Pebrero 6 ang kanyang mga prayoridad kung siya ay itatalaga bilang kalihim ng departamento.
Sinabi ni Vergeire na ang kanyang mga prayoridad ay ang access at equity sa healthcare sector.
Paliwanag ni Vergeire, kapag sinabing access–lahat ay may access sa healthcare facilities o serbisyo na kanilang kailangan.
“And also equity, that we have this specific focus on the poor and those marginalized that we can be able to uplift the health status of our poor population so that we can be able to have health outcomes that are equitably distributed across the country,” pahayag pa ni Vergeire sa CNN Philippines.
Bagamat wala pang itinatalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na bagong kalihim ng DOH, nauna nang sinabi ni Vergeire na handa ito sakaling siya ang italaga sa nasabing posisyon para pangunahan ang ahensya at nagpatupad ng reporma sa healthcare system ng bansa.
Isa aniya sa mga pangunahing hamon ng trabaho ay kung paano tugunan at pamahalaan ang iba pang mga sakit sa bansa na hindi nabigyan ng tamang atensyon dahil sa pandemya ng COVID-19.
Ang pagpopondo rin ang isa pa aniyang alalahanin dahil karamihan sa mga mapagkukunan ng DOH ay ginagamit sa pagkontrol sa pagkalat ng virus.
Sinabi ng DOH OIC na hindi pa niya nakakausap ang Punong Ehekutibo hinggil sa kanyang kagustuhan na umupo sa pinakamataas na posisyon sa ahensya, ngunit sinabi niyang susundin niya ang desisyon ng Pangulo. Jocelyn Tabangcura-Domenden