Mga mahilig sa sext, bokya sa personal – study

Mga mahilig sa sext, bokya sa personal – study

March 26, 2019 @ 12:39 PM 1 year ago

  •  
  •  
  •  
Share


Manila, Philippines – Sa pagyabong ng teknolohiya, maging ang relasyon ngayon ay mas nagiging instant. May ilan na nakakikilala na ng kapares sa social media o sa mga dating apps. Dahil din dito, maging ang romansa ay nagiging digital na rin, at dito pumapasok ang sexting.

Ano nga ba ang sexting? Ito yung pakikipagpalitan ng nakaka-turn on na mensahe na parang nakikipagtalik din. Sa ganitong paraan, mas nagiging madali ang pagsasarili o masturbation, dahil bukod sa sabay kayong lalabasan, nai-imagine mo talaga na nagtatalik kayo. Ang sexting ay maaaring gawin sa text o online chat. Mayroon ding nagpapalitan ng nude pic o mga litrato nila nang nakahubad para mas mapatayo pa si manoy.

Madalas na nahuhumaling sa sexting ay ang mga nasa long distance relationship, at ang iba ay yung mga taong hayok-na hayok lang.

Pero ayon sa isang pag-aaral, karamihan sa mga nahuhumaling sa sext ay hindi magaling sa kama sa personal.

Sa pag-aaral ng Computers in Human Behavior, kung saan nasa 750 college students ang kanilang tinanong, mas marami sa mga hindi maganda ang relasyon, ang nahuhumaling sa sext.

Dahil dito, lumalabas na takot ang mga mahilig sa sext sa totoong intimacy, dahil nasasanay ang mga ito na maging intimate sa digital lang at hindi sa totoong buhay.

May pag-aaral din sa North Carolina State University na mas mababa ang tiyansa na mauwi ang sexting sa totoong sex.

Mas marami rin sa mga nahuhumaling sa sexting ang hanggang sa ngayon ay virgin. Kaya payo ng mga eksperto, kung huwag magpaloko sa sexting. Mainam pa rin ang ‘real action.’ (Remate News Team)

Share

Leave a Reply

Loading...