Home NATIONWIDE Mga mall target gawing distribution sites ng unclaimed license plates

Mga mall target gawing distribution sites ng unclaimed license plates

185
0

MANILA, Philippines- Balak ng Land Transportation Office (LTO) na magsilbi ang mga mall sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang distribution sites ng unclaimed license plates.

Inihayag ni LTO chief Vigor Mendoza II na nakikipag-ugnayan sila sa mga mall upang gawing distribution sites upang matiyak ang komportable at mabilis na pagbibigay ng license plates sa mga may-ari nito.

“We are now looking at the distribution system. We discussed this with the motorcycle and car dealers and even mall managers,” ani Mendoza. 

Mayroong halos 13 milyong license plates na hindi pa nakukuha mula sa iba’t ibang LTO warehouses at nasa ilalim ng kustodiya ng ilang car at motorcycle dealers.

Karamihan sa mga ito ay para sa mga motorsiklo na halos 10 milyon habang ang natitira ay para sa motor vehicles. 

Sinabi ni Mendoza na mainam ang malls na lokasyon ng distribusyon dahil madalas itong puntahan ng mga tao.

Subalit, sa pagsasagawa nito, inihayag ng opisyal na maghahanda sila ng appointment system upang hindi sumikip sa mga mall.

“An appointment scheme could be enforced to ensure a smooth distribution and release of the unclaimed licensed plates,” ani Mendoza. RNT/SA

Previous articleZubiri pabor sa pagsasaayos ng BRP Sierra Madre
Next articlePinas may suplay ng bigas ‘gang matapos ang El Niño – PBBM

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here