MANILA, Philippines – Walang mapalad na mananaya ang nakatumbok sa Grand Lotto 6/55 at Lotto 6/42 sa gabing draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Sabado, Hunyo 17.
Ang winning digit combination para sa Grand Lotto 6/55 ay 18-15-43-25-34-19 na may jackpot prize na P29,700,000.
Wala ring bettor ang nakahula ng winning combinations sa Lotto 6/42 na may masuwerteng numero 10-08-21-13-35-26 at jackpot prize na P24,296,322.20.
Samantala, ang iba pang kumbinasyong nanalong lotto ay 5-1-0-9-2-3 para sa 6D lotto, 9-8-7 para sa 3D lotto, at 14-04 para sa 2D.
Ang susunod na Grand Lotto ay ibobola sa 9 p.m. ng Hunyo 19 habang ang Lotto 6/42 sa Hunyo 20. RNT