MANILA, Philippines – Isinusulong ngayon sa Senado na mabigyan din ng maternity benefits ang nasa 50 milyon na “employed” na mga babaeng Pinoy na nagtatrabaho sa maituturing na “informal work.”
Ayon sa report ng Commission on Human Rights (CHR), karamihan sa mga manggagawang babae sa informal economy ay mga home-based business owners, home-based subcontract workers, at street vendors.
Bagama’t milyon-milyong babaeng manggagawa ang nakikinabang sa Republic Act (RA) No. 11210, o ang Expanded Maternity Leave Act,
hindi lahat ay nagbebenepisyo sa nasabing batas.
Ayon kay Senador Risa Hontiveros, sila ang mga babaeng nagtatrabaho sa informal economy na hindi miyembro ng Social Security System (SSS), katulad ng sari-sari store owners, handicraft at tool assemblers, street vendors, at magsasaka.
Ito ang dahilan kung bakit niya inihain noong nakaraang taon ang SB No. 148 na naglalayong amyendahan ang RA No. 11210 “to provide a maternity cash benefit worth the daily minimum wage times 44, or the minimum wage of two months.” RNT/JGC