Home NATIONWIDE Mga may expired, pekeng protocol plate ‘8’ ipahuhuli ng Kamara

Mga may expired, pekeng protocol plate ‘8’ ipahuhuli ng Kamara

MANILA, Philippines – Nagkasundo ang Malaking Kapulungan ng Kongreso at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paghuli sa mga sasakyan na gumagamit ng expired o pekeng “8” plaka, ang protocol plate na ginagamit ng mga kongresista.

Binigyang-diin ni House Secretary General Reginald Velasco na nagpulong ang mga opisyal ng Kamara at MMDA kaugnay ng expired, pekeng ‘8’ plaka na maaaring ginagamit pa ng mga kongresista.

“I met with MMDA Acting Chairman Atty. Romando S. Artes, where we discussed that using unauthorized and illegal special plates should not be tolerated as it threatens public safety and undermines the integrity of the vehicle registration system,” sinabi ni Velasco.

Batay sa alituntunin ng Kamara, tanging ang mga kasalukuyang kongresista lamang ang dapat gumamit ng plakang 8.

“The House leadership is committed to upholding the law and ensuring vehicle identification plates’ proper and lawful use.”

Kasabay nito ay hiniling ni Velasco sa mga mambabatas na isuko sa kanyang tanggapan ang kanilang mga lumang 8 plate.

Nauna rito, lumabas sa mga ulat na mayroong sasakyan na dumaan sa EDSA Bus lane at sinabi umano ng drayber na ang sasakyan ay pagmamay-ari ng isang kongresista. Meliza Maluntag

Previous articleUnified digital data collection system inilunsad ng BOC
Next articlePobreng mag-aaral, prayoridad sa financial aid sa free college law – Gatchalian