Home NATIONWIDE Mga may sakit, lagnat bawal pumasok sa sementeryo sa Parañaque

Mga may sakit, lagnat bawal pumasok sa sementeryo sa Parañaque

MANILA, Philippines – Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Parañaque nitong Oktubre 27 na ipagbabawal ang pagbisita ng mga may lagnat na indibidwala sa mga sementeryo sa lungsod sa darating na Undas.

Sinabi ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez, hinndi papayagan ng lokal na pamahalaan ang kahit na sinumang tao na makapasok sa mga sementeryo sa lungsod ng mga may sakit tulad ng lagnat, trangkaso at sipon upang masiguro na hindi mahawahan ang ibang bumibisita sa sementeryo.

Bukod sa pagbabawal ng mga may sakit na pumasok sa sementeryo ay naglabas na rin ang lokal na pamahalaan ng ipapatupad na panuntunan na nagbabawal sa mga bumibisitang indibidwal tulad ng pagdadala ng alak, mga lasing o nakainom ng alak, pagluluto, paninigarilyo, pagdadala ng lighter at gasoline, ilegal na droga, sound system, musical instrument at speaker, kutsilyo at baraha, habang pinapayagan lamang ang pagdadala ng posporo para sa pagsisindi ng kandila aat pinaaalalahanan ang mga bisita sa pagtapon ng kanilang basura at sa mga lugar na pinagtatapunan ng basura.

Sinabi din ni Olivarez na ang Manila Memorial Park (MMP) ay magiging bukas sa mga bumibisita mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi lamang ng Oktubre 229 aat 30 habang simula naman ng Oktubre 31 hanggang Nobyembrer 1 ay bukas na ang nabanggit na pribadong sementeryo 24 oras.

Dagdag pa ni Olivarez na sa Loyola Memorial Park, sa darating na Oktubre 29-30 at Nobyermbre 2, ang mga balak na bumibisita sa sementeryo ay papayagan lamang na pumirmi sa puntod ng kani-kanilang mga namayapang mahal sa buhay ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi at sa Oktubre 31 at Nobyembre 1 ay magiging bukas naa rin ang naturang sementeyo ng 24 oras.

Sa pampublikong sementeryo sa lungsod tulad ng Himlayang Palanyag ay bukas sa publiko ang sementeryo ng Oktubre 29-30 ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 5:00 lamang ng hapon at mula naman Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2 ay bukas na rin ito ng 24 oras.

Samantala, ang Parañaque Catholic Cemetery naman ay magbubukas sa publiko mula aals 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2. James I. Catapusan

Previous articleHalos 60K pasahero naitala ng PCG sa mga pantalan sa bansa
Next article31K PDLs boboto sa BSKE